I attempted to write something in Tagalog... so here it is
Sabi ng isang text sa akin listening daw is more than just not talking, it is emptying one’s mind to make room for someone else’s point of view. Sa kagaya kong tanggap na ang pagiging maingay, hindi na ito bago. Bata pa lang ako ang lagi ng sinasabi sa akin ng mga tao ay maingay ako. Naalala ko nun kada na lang may conference ang mag teacher ko tungkol sa aming mga estudyante, hindi makakalimutang pag-usapan ang aking pagiging maingay. Lagi lagi din ay pinapatawag ako ng mga teacher ko para sabihan na limitahan ang aking pagsasalita. Madalas naman pag sinabihan ako pilit kong tinitikom ang aking bibig, sa maniwala kayo sa hindi talagang pinag sisikapan ko kaya lang talagang lumalabas ang totoo, talagang maingay ako at sabi ko nga sa maraming tao… walang pakialamanan. Marahil natanggap na rin ng mga tao a talagang maingay ako kasi madalas nun pag may mga dapat gawin na kailangang may magsalita, ako kaagad yan. Sa mga pagkakataong iyon ay talagang feeling bida naman ako. Talagang pinag hahandaan ko ito at pinagsisikapang gawin ng maayos. Hindi nakapagtataka na halos lahat ng nagging activities ko nun ay may koneksyon sa pagsasalita sa harap ng maraming tao. Siguro nga ganun talaga, kung sa ibang tao eh maingay ako, minsan naman may pakinabang din ang pagiging maingay ko. Sa aking pakiramdam ang pakinabang na napala ko sa pagiging maingay ang naging dahilan kung bakit di naglaon ay natanggap ko na talagang ganun na ako. Ngayon ako pa mismo ang magsasabi sa mga taong hindi pa nakakakilala sa akin na talagang maingay ako.. sabi ko nga walang pakialamanan.
Marami ang nagtaka nung ako ay naging kadete. Sa isang lugar na animo’y mga robot at tila hindi nagsasalita ang mga tao parang talagang maling mali na ako ay napunta ng PMA. Sa maniwala kayo o sa hindi, nagawa kong tumahimik kung kailan dapat tumahimik. Ganun siguro talaga pag ang mga pagkakataon ang nagdidikta kung paano umasal ang isang tao. Kahit naman maingay ako alam ko na dapat tumahimik paminsan minsan lalo na kung katahimikan lamang ang paraan upang makuha mo ang isang bagay, sa akin ito lamang ang paraan para manatiling maging kadete. Di naglaon ay lumabas din ang aking tunay na kulay, sa tingin ko naman alam ng mga kapwa ko kadete na talagang maingay ako nasanay lang siguro talaga sila o baka natuto akong mag-adapt. Ewan ko ba basta sa puntong ito tanggap ko na na talagang ganito ako at para sa akin hindi kabawasan sa pagkatao ko ang maging maingay.

To be continued....
No comments:
Post a Comment