Ayoko talagang magsulat ngayon, naisip ko kagabi lang ako nag update tapos ngayon may sinusulat na naman ako. Kaya lang eh sa talagang ang daming tumatakbo sa utak ko na pag hindi ko sya sinulat baka mabaliw ako at ano maisipan kong gawin.
Ang sama sama ng pakiradam ko kagabi, siguro dahil naligo ako ng pagkalamig lamig na tubig nung hapon. Pakiramdam ko may lagnat ako nun pero ayoko namang magpa ospital kasi nga bukas eh bababa ako ng manila. So pinagtyagaan ko, para akong lasing na normal naman mag-isip pero talagang napakasakit lang ng ulo ko. Pag dating ko sa room ko galing magcomputer nahiga ako at nakaidlip ng kaunti, nagsimula na akong lamigin talaga na sure na sure na akong mauuwi sa malalang lagnat ang aking nararamdaman. Nung tumonog ang tattoo bandang 9:30 tumayo ako at umattend ng meeting tungkol sa mga bagong pakana ng PMA para daw mas maging "responsive" ang training namin. Binalita na sa lunes daw ay magkakaroon ng All Right ng unregistered cellphone. Ang ibig sabihin nun gagamitin na ang honor code para masigurado na lahat kami ay nakaregister ang cellphone. In short, dapat na talaga akong mag register at hindi na ako madalas makakapagtext sa mga tao kahit na halos wala na naman talagang nagtetext sa akin. Tapos pinag-usapan ang paghahanda sa Intramurals in two weeks time at yun bumalik na ako ng room ko nagbihis ng pantulog at natulog na.
Speaking of text, iniisip ko na itext ang aking crush. Kaya lang, dahil madalas naman eh nadedema lang ako hindi ko na tinuloy, instead eh sinulat ko na lang ang mga naiisip kong sabihin sa kanya. Dahil nga masama talaga ang pakiramdam ko, hindi na ako masyadong nag-isip ng mga kadramahan basta sinulat ko na lang kung ano talaga ang nasa utak ko, kumuha ng envelope tapos yun na, maya maya pagkatapos ko nito imamail ko na. Hindi pa rin ako mapakali sa tanong sa akin nung katext ko kahapon, kahit na sinulat ko na kung ano feeling ko, mahirap pa rin talaga pag hindi mo alam kung ano ang kalagayan ng mga bagay bagay. Lalo na kung parang yun na lang ang kaligayahan mo dahil ang lungkot lungkot na ng buhay dito sa Baguio. Naisip ko pa kagabi na siguro kung buhay pa ang nanay ko malamang kami lagi ang textmate. Medyo naiyak iyak tuloy ako ng maalala ko uli na wala na pala akong nanay.
Ang nanay ko kasi ay parang ako rin. Gusto laging may napapala sa mga ginagawa. Naalala ko nun nasa States na sya tapos tinanong nya bigla sa aking kung ano ang difference ng English Phonetics at International Phonetics. Ang totoo yung time lang na yun ko nalaman na may ganun pala. Kahit na na weweirdohan ako sa tanong hinanap ko pa rin, at nalaman ko na may koneksyon pala yun sa trends ng pag gamit ng mga salita. Ngayon alam ko na at pag nag susulat ako lagi kong iniisip ang relevance nun. Ay basta namimiss ko lang siguro talaga nanay ko at naiisip ko mga bagay bagay na mangyayari kung buhay pa sya. Naawa nga ako sa pamangkin ko kasi she will never be able to meet her grandmother, pati sister in law ko picture na lang ni Mommy ang inabot. Ano na lang pag ako ang nag-asawa at anak, hanggang kwento na lang ako. Ngayon pag may naiisip akong kabulastugan, naiisip ko na baka pagalitan ako ng nanay ko kaya hindi ko na ginagawa. Ngayon namromroblema ako kung paano magpapapansin sa crush ko, siguro kung buhay si Mommy meron syang sasabihin sa akin na ikatutuwa ko regarding the topic.
Hay nako, hanggang labas na lang ako ng sama ng loob. Sa mga taong sinusulatan ko pero ayaw magparamdam, I'm just crossing my fingers, malay mo may milagrong mangyari. At sa nanay ko, talagang ang dami nyang iniwan sa akin kahit na wala na sya at sana yung mga taong may mga nanay pa dyan lagi nilang pahalagahan ang bawat segundo na meron silang tatawaging Mommy, mama or nanay. Ako, ipagpapapalit ko lahat ng bagay na meron ako ngayon para lang bigyan ng kahit na isang pagkakataong mayakap ang nanay ko... hay naiiyak na naman ako....
1 comment:
hay nako, alex...gusto ko sanang magbasa pa kaya lang, basa na talaga tong t-shirt ko kapapahid ng luha at uhog... -tita liza
Post a Comment