Tuesday, July 11, 2006

Totoo

Mahirap talaga magsulat ng mga bagay na gusto mong ilabas pero ayaw mo talagang sabihin lahat kasi nakakahiya. Isipin mo, hindi naman lahat ng bagay na ginagawa natin eh proud tayo. Marami tayong "dark little secrets" na kahit pa gusto nating maging totoo ay hindi talaga pepwede. Kagaya ko, lagi kong sinasabi sa sarili ko na gusto kong makilala ng mga tao kung sino talaga ako. Kaya sa blog na ito pilit akong nagpapakatotoo, sinasabi lahat ng bagay na maisipan. Pero pag talagang babasahin mo lahat ng aking sinusulat marami akong detalye na iniiwan kasi yung iba nakakahiya ng ipamalita sa madla, ano na lang ang sasabihin ko kung minsan may lumapit sa akin at ipaalala ang isang kahihiyan na binunyag ko dito. Sa totoo naman kasi lahat tayo gusto mag-iwan ng mga bagay bagay na tanging tayo lang o yung talagang malalapit lamang na kaibigan ang mga nakakaalam. O minsan naman naglalabas ako ng sama ng loob sa crush ko na puro dedma lang ang inabot ko, syempre hindi ko ibibigay todo ang pagsulat ng lahat ng sama ng loob ko mabasa pa lang nya eh di patay ako. Kagaya ngayon mneron akong gustong sabihin pero hindi ko talaga maisip kung paano kasi alam ko pag sinulat ko dito wala ng bawian, bahala na ang mga tao na mag-isip kung ano yun. Basta ganun.
Ganyan ganyan ang nangyari sa isa kong post. Biglang nagtext sa akin ang isa kong masugid na taga subaybay (naks) tungkol sa sinulat ko, sabi nya pa alam nya na raw. Ang ending kwinento ko na lang sa kanya ano talaga yun, so ngayon pag nangungulit ako sa kanya inaasar nya ako... buti na lang berks kami kaya hindi na rin masyadong nakakahiya. Ang problema ko lang eh yung mga hindi ko berks. Yung mga taong hindi naman ako kayang itext para magreact at sila sila na lang ang nag-uusap kung ano nga ba talaga ang ibig kong sabihin sa mga sinulat ko. Paano kung yung nakabasa eh yung upperclass ko o underclass ko o hindi ba tactical officer ko. Malay natin kaya pala kada makikita nila ako eh nakangiti na sila kasi kung ano ano na iniisip nila tungkol sa akin. Pero gaya nga ng lagi kong sinasabi pag hindi ko na talaga alam kung ano gagawin "walang pakialamanan." Gaya nito alam nyo ba na dalawang beses pa lang akong sumulat sa blog na ito ng talagang gamit ko lang ay ang salitang ugat eh mga limang taon na rin akong nag lalabas ng kung ano ano dito sa internet.. as in dalawa lang talaga... basta ganun walang pakialamanan kasi kahit ano pa talaga ang sabihin ko dito wala naman silang magagawa atsaka hindi ko naman responsbilidad na i-explain ang sarili ko sa ibang tao, basta ito ako, ito na yung pinaka totoo na pwede.

No comments: