Sunday, August 27, 2006

Punyeta!!!

Punyeta....
Kanina nagsusulat na ako ng bigla akong nabored kasi trying hard na naman ako to be sane when in fact my mind is running wild. Narealize ko na napapadalas ang gamit ko ng word na yan kahit na hindi ko naman talaga alam ang literal meaning nung word feeling ko lang mas okay na lang yan kaysa mag mura ako ng magmura. But going back to the word, sabi ko nga madalas as in madalas lalo na when it is referring to the plebes take this examples;
  1. Ilang beses bang uulitin sa'yo na yung punyetang daliri na yan ay dapat laging magkadikit
  2. Mahirap ba intindihin na may mga bagay na pwede namang ganito pero dahil nasa PMA kayo dapat gawin nyo kung paano ang tinuro. Mga punyeta kayo kung ayaw nyong makinig mag resign na kayo
  3. Ano ka ba, nag iisip ka ba, punyetang luha yan hindi ka naman papatayin ng mga tao dito iyak ka ng iyak bakit awang awa ka na ba talaga sa sarili mo, pride lang kasi yan, punyetang pride yan.
  4. Mga punyeta kayo, pag sinabi kong magplantsa ng uniporme magplantsa, hindi naman ako ang magususuot ng plantsadong pantalon at mas lalong wala akong mapapala kung makikita ng mga tao na kadeteng kadete ang mga suot nyong uniporme.

Forgive the language but that is how it is. But then hindi naman talaga yan ang nagtrigger kung bakit naisip ko yung word na yan ngayon ngayon lang. Ang totoo nagbabasa ako when I chanced upon reading a blog of a friend in friendster at sabi ko Punyeta to refer to something she is saying na parang weird. Actually hindi weird kundi, nakakainis lang for me... hay nako basta ganun as I said my mind is running wild and it will take sometime for me to be on a stage like yesterday when I wrote the two entries in quick succession. Well ito na muna... magandang gabi at huwag kayong mag alala hindi ko kayo sinasabihan ng punyeta :)

1 comment:

Anonymous said...

WHEW!!! akala ko ako ang namura, hindi pala :P