Ito kami noon.... Ito na ngayon...
Naubos ang aking oras sa kakatingin ng iba't-ibang pictures ng mga classmates ko nung high school na nakapost sa friendster. May iba nasa ibang bansa na, yung iba baboy na, yung iba may mga anak na, yung iba baboy pa rin. Sana hwag magalit yung mga batch ko nung high school eh sa talagang ganito naman ako magsalita kahit nung unang panahon pa. Ang galing kasi siguro yung iba confident na magsalita, yung iba marami ng pera, habang ako hanggang ngayon animated pa rin sa salitang baboy... Baboy... baboy... at baboy....
Ganun pala yun pag nalalaman mo kung ano na nangyari sa mga taong kasama mong lumaki sinaunang panahon. Natatawa ako kasi naalala ko tuloy sino yung berks ko, yung inaway ko o sino yung wala lang akong pakialam. Yung mga berks ko, ginagago ko pa kahit sa friendster message, yung mga inaway ko pilit kong inaalala kung bakit ko sila inaaway nun, yung mga wala akong pakialam, pilit akong nag-iisip ng mga pagkakataong pinakialaman ko sila. Sa dami ng mga naisip ko na mga pangyayari napipili ko tuloy kung sino ang posibleng mag aacceept pag inadd ko sila sa friendster ko. Syempre yung hindi ko talaga berks, hindi na ako nag attempt man lang na iadd sila, aba baka mapahiya pa ako. Iniisip ko na lang na makikita nila na tiningnan ko yung account nila at magtataka sila kung sino yung hunghang na alex ang tumingin ng profile nila. Then baka maalala nila ako at pag hindi naman talaga ako naging masama sa kanila baka iadd nila ako, kahit papaano rin pala talagang lahat ng bayad may kabayaran. Malamang dahil sa mga pang-aasar na ginawa ko sinaunang panahon, hindi nila ako iaadd sa friendster.
Kahit itong sinusulat ko ngayon. Pag nakita nila na tagalog to, mamamangha sila kasi bisaya kami mag-usap nun. Pag nalaman nilang nagiging serious din pala ako, baka maisip nila hindi ako yung dati nilang classmate kasi sa naalala ko ang feeling ng lahat ng tao nun maingay lang talaga ako... period. Siguro yung pagiging kadete ko hindi na sila masyadong mamangha pero sa ibang bagay... baka mabaliw sila. Naalala ko tuloy yung isa kong teacher na pinuntahan ko nung minsan nag break ako. Nung nakita nya ako at naka uniform... aba umiyak... hindi ko alam kung bakit, natuwa siguro sya kasi minsan tinuruan nya ako, pero ang naisip ko talaga nun baka natuwa siya kasi noon akala nya magiging pariwara ang buhay ko (naisip ko lang naman yun). Tapos nung nagsalita na ako sa harapan to advertise PMA dun sa mga fourth year high school students ng school ko, aba sa likod natatanaw ko ang aking mga nag gagandahang mga teacher na minsan ay binigyan ko ng sakit ng ulo. Mas lalo akong naging nostalgic nung isa isahin ko ang naging section ko nung high school, kasabay ang mga hiyaw ng mga estudyante dahil yun din ang naging section nila. Akalain mong biglang naging sikat ang maging miyembro ng section kasi naging kadete ako, kung iisipin hindi pa nga ako grumagraduate.
Minsan linapitan ako ng isang officer na taga dumaguete rin. Sabi niya meron daw isang bisita na sinamahan nya na classmate ko raw nung high school. Siyempre tinanong ko kung sino, hindi nya na maalala, ang sabi nya lang eh umakyat daw ng baguio para magrelax kasi kakukuha lang ng bar exam. Binilang ko ngayon... oo nga no walong taon na pala akong grumaduate from high school. Hopefully, gragraduate ako ng 2008 yun din yung pang 10th year na grumaduate ako ng high school, akalain mong ganun katagal bago ako nagkaroon ng achievement uli mula nung nagkaroon ako ng Boy Scout of the Year medal nung high school graduation ko. Sana pag dating ng August eh buhay pa ako after graduation para makapunta ako ng dumaguete to attend the 10th year reunion. Ang saya siguro nun... iniisip ko tuloy kung kailangan kong magdala ng baril para magdalawang isip silang tawagin akong brownie? Hahaha
Ang sarap isipin ng mga bagay na ganun. Minsan kaming lahat nagsama sa isang eskwelehan. Napilitang makilala ang isa't isa kasi apat na taon kaming nasa isang batch. Yung iba naging barkada talaga, yung iba nagkaroon ng iba't ibang buhay, napunta sa ibang lugar, yumaman, naging baboy at kung ano ano pa. Siguro kaya nagiging masaya ang pag gunita sa mga panahong yun eh dahil alam ko, ginusto man namin o hindi, naging parte kami ng buhay ng isa't isa at kasama silang lahat at ako sa mga buhay nila, sa kwento ng buhay namin.
Note: The pictures above was placed there to put dramatic effect on the entry. The first picture was my class picture in 4th year high school while the other is a recent picture that they took when they had some kind of a reunion, I was not there because I was here in PMA...
2 comments:
lex....wa ko naktawa kay nakahilak kos imong taas kaayo nga story...and never bya kong nagtawag nimo ug brownie ha...
kinsa dagwawy tong mga kusog kaau mutawag nimo ug brownie ug iro...hmmm ican stilremeber them..lantawa unsa na ilang mga status karon..walang nagyari sa kanila diba??
so.............bwahahahahaha
hahaha, I did not mean it to be that way. I was just remembering how it was. I took no offense on people who called me names since I too called people names that I invented... Well, I guess that is how it is for all of us
Post a Comment