Hindi naman pala ako dapat malungkot. Marami kasing mga bagay na pag iniisip ko ngayon, parang ang sarap sabihin na sana hindi na lang sya nangyari. Kunyari lang ha, nung pasko binigyan ko ng pera yung auntie ko. Kanina nung bumili ako ng internet card para matype ko tong blog na to, last money ko na pala yun. Naisip ko na kung hindi ako namigay ng pamasko aba!!! ang dami ko pa sanang pera. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero talaga namang masama ang pakiramdam ko lalo na ngayong totoo na talagang namumulubi na ako... sana nasa PMA na uli ako.
Kaninang umaga (o kahapon yata yun basta January 2), sumama ako kay Hanna at sa kanyang nanay na pumunta sa isang orphanage. Kaya ako pumunta dun kasi meron akong gustong malaman. Last year, nandun ako sa simbahan sa PMA. Marahil alam nyo na madalas akong kumakanta dun, as in ako talaga yung leader ng kantahan. Hindi naman pang pinoy pop superstar yung boses ko pero sabi ng nanay ko maganda naman daw kahit papaano (mahal na mahal talaga ako ng nanay ko... sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa). So sa simbahan pag kantahan banat talaga ako feeling ko bida ako pag ganun. Eh ngayon biglang nag absent yung magtuturo sa Sunday School ng mga bata, ewan ko kung paano nangyari basta ako yung tinuro na pumalit. Langhiya, monster yata yung mga yun, parang mga tyanak, may pumapatong sa lamesa, may nangangagat, may naghuhubad ng shorts, basta gusto kong pag uumbagin silang lahat kaya lang mga anak kasi ng mga Captains at Colonels. Sa madaling salita, pagkatapos ng Sunday School, pinangako ko na hindi na ako uulit. Kinalimutan ko na yun kumanta na lang uli ako, kaya lang itong isang crush of all time ko sabi pangarap nya raw magturo ng mga special children. Naisip ko, kung alam lang nya ang pinapangarap nya... I'm sure isusumpa nya rin. Syempre nung una lang yun, kaya lang narealize ko seryoso pala sya. Ewan ko kung paano nya gagawin yun pero nung sinabi nya sa akin yun talagang pakiramdam ko totoo yun. So, ito naman ako punta sa google dot com... type ng... SPECIAL CHILDREN PHILIPPINES... paglabas ng search results isang katerbang mga pangalan ng mga eskwelahang hindi ko talaga magets kung paano nila naisip... basta madalas may little kung hindi angel at kung ano ano pa. Nakalimutan ko yun, naalala ko na lang bigla nung nag-iisip ako ng something para matuwa sa buhay nya yung crush of all time ko kasi nga magbibirthday na sya. Hindi ko rin naman napakinabangan yung mga special children chuva na yun kasi ang nangyari nag pa party ako sa opisina nila pero mula noon naisip ko na talaga na meron akong dapat magets sa mga special children na yan. Katagalan, naisip ko hindi lang pala yun tungkol sa special children, yun pala ay para turuan ako ng mga bagay gaya ng pasensya at pagpapakumbaba. Pakiramdam ko ngayon mas seryoso na ako dun sa crush of all time ko tungkol sa mga special children na yan, pero pag naaalala ko sya (si crush of all time) naiisip ko rin yung mga bata at mga bagay na dapat kung gawin para sa kanila. Ngayon umentra na si Hanna, galing ng kanyang worldwide tour. Tinanong ko sya kung meron ba syang alam tungkol sa mga special children na yan, then yun na, nabanggit nya sa aking yung pinupuntahan nila sa Makati. Nung nasa Lipa na ako at malapit ng mag collapse dahil hindi ko alam ano dadalhin ko sa bahay nila crush of all time, lumitaw si hanna sa ym at yun na, napag usapan na ang pagpunta sa orphanage. Nung medyo nalungkot ako sa sinabi ni crush of all time bago ako bumalik ng manila, nagconfirm na ako kay hanna na sasamahan ko sya. Inuulit ko, hindi na to tungkol kay crush of all time, talaga lang naalala ko yung special children chuva na yan pag iniisip ko si crush of all time.
Pag pasok namin, isang katerbang mga bata ang sumalubong sa amin na puro magugulo. Grabe naalala ko na naman yung mga anak ng Captains at Colonels. Pero syempre, kawang gawa nga, smile naman ako. Hindi ko naman talaga alam ang gagawin ko dun basta alam ko hindi ko dapat umbagin yung mga bata pag naiinis na ako sa kanila. Ayun na nga, pumasok na ako tapos lahat sila sinalubong si hanna na parang berks na berks talaga sila. Ako naman patingin tingin lang. Maya maya nakita nung mga bata yung bull ring ko, sabi nung isa "Kuya si Green Lantern ka ba?" sabay hawak sa singsing. Nung narinig nung mga bata yun, lahat sila nagsilapitan sa akin para lang tingnan kung totoo nga bang si Green Lantern ako. Syempre sabi ko hindi ako si Green Lantern pero pagkatapos nun nagsimula na silang magkwento ng mga kung ano ano. Napansin ko lang yung mga batang yun mahilig yumakap at kumandong. Naisip ko na baka yun yung epekto ng trauma ng pagiging abandoned children. Masaya rin kahit na hindi ko talaga alam ano sasabihin ko, kwinento ko sa kanila na sundalo ako, na nakahawak na ako ng baril at kung ano ano pa. Yung magic ko pa nga hindi gumana pero lahat sila tumingin sa akin nung sinabi kong mag mamagic ako. Nung umalis na kami, nagets ko na kung ano yung pinunta ko dun, hindi ko alam exactly pero yun ay isang bagay na may kinalaman sa pagmamahal. Sa maniwala kayo sa hindi natuwa ako na yinayakap nung mga bata at kumakandong sila sa akin habang nag-iisip ako kung paano ko sila uutuin. Akala ko lang talaga corny pero hindi pala. Gaya nga ng sabi ng maraming tao, may mga bagay na maituturo ang mga bata sa atin. Sa akin naman, ngayon alam ko na yung pakiramdam pag inabutan mo ng konting pagmamahal ang mga tao... sabi ko sa sarili ko hinding hindi ako magdadalawang isip na magmahal sa ibang tao... kahit na madalas pakiramdam natin walang kwento yung ginagawa natin... pero sabi nga ni Carlo Aquino sa Bata bata paano ka ginawa: "Akala mo lang wala... pero meron meron meron"

So yun na, natapos ang araw ng nakatanga ako sa bahay, iniisip ang magandang karanasan ko nung umaga at pati na rin yung hindi kagandahang balita na sinabi sa akin ni crush of all time. Magkalayo yung dalawang bagay na yun pero kung tutuusin, pagmamahal pa rin ang ending. Kahit ano siguro sabihin nila at kahit si crush of all time, hindi na siguro talaga ako hihinto sa pagmamahal ng ibang tao. Hinding hindi na... ngayon alam ko na kung bakit nakalagay sa Bible Love always hopes, always persevere... Love never fails. Sa huli hindi pala talaga ako dapat malungkot, kahit na wala na akong pera ngayon, o kahit na dun sa hindi magandang sinabi ni crush of all time, kasi sa lahat ng mga yun naipakita ko kung paano ang magmahal. Hindi naman pala talaga yun naghahanap ng kapalit... basta lang nagmamahal.... yun na yun period.
Pagtyagaan nyo na lang yung pictures na nakuha ko, marami dyan mga bata rin ang kumuha kasi nag-aagawan sila sa telepono ko para kunan kami ng picture
3 comments:
doing something for others gives you satisfaction, hindi mo lang mahahalata pero it will grow on you.
teaching special kids is a big challenge. my mom worked in mental hospital and some centers for special kids. she'd take us with her and make us help with her work. at first i hated it but when i got older i found the experience rewarding especially when the kids respond to you. sa mental hospital, of course, off limits kami sa patients pero you would see that even people like them, especially the abandoned ones, need attention.
be nice to kids. i still dont like kids very much (mahina tolerance ko sa kakulitan) pero minsan nakakaaliw din silang pag-tripan. (haha).
thanks for dropping by my blog the other day. happy new year. ;)
thanks also. i hope you dont mind i quoted your words. you have such great insights ablut life. Thanks again =)
Hi..i've accidentally stumbled upon your blog and read it just now (it's already Dec 2009). I was looking for a picture of the bull ring and was surprised to see, "oh my god! brother to ni apple!" hahaha...anyway...this was such a nice blog....plain, simple, full of love and compassion.
Post a Comment