Hindi ko alam. Basta narealize ko na lang na ang lungkot bigla ng buhay ko. Kanina while in a meeting for the Graduation Issue of the Corps Magazine ang lungkot lungkot ko. Hindi ako makasabay sa kulitan nila and I'm not even interested to join in. My mind was wandering and I hate it. It can't be because masakit ang ngipin ko, I doubt, suddenly malungkot lang ako. Imagine I have deadlines to meet for my 4 articles in the graduation issue and I'm feeling this way, kawawa naman ang graduation articles ko puro malulungkot. The thing is after my 10th place victory in Naga, they all want me to write the feature stories, of course I like the fact that they are giving me better articles to write kaya lang with my energy level ngayon how am I supposed to produce a literary piece that will touch the heart of my reader? Ah basta mamaya siguro makakapagsulat lang ako sana lang talaga... as in sana...
So sige I will try to analyze myself ha baka magets ko kung bakit ganito ang feeling ko. The other week I received a text message from my brother. Sabi nya kausapin ko daw yung auntie ko kasi nalulungkot. You see, when my mother went to the States when we were very young our Auntie practically became our mother. Dati, inaaway ko pa sya but now I have loved her so much na hindi ko maimagine ang buhay ko kung wala sya. Now the thing is this Auntie of mine has found her place in our home. I mean talagang yung love and care na binibigay nya sa amin todo na. She finds happiness by the fact that we are able to have good lives. Maganda di'ba? But then my brother marries and suddenly hindi na ganun. Hindi naman masama ang ugali ng sister-in-law ko kaya lang hindi sila magkavibes ng auntie ko. The thing is suddenly its my sister-in-law who decides for everything sa house at sya na rin ang nagbabayad ng mga dapat bayaran. Ang nangyari na insecure yung auntie ko and becomes sad. Now being the person that she can really talk to, kausapin ko daw but then I'm here I can only do so much. Nakakalungkot...
Tapos ito pa, ang balita maiksi daw break namin something like 4 days lang at pwede pang mawala yun depende sa political situation ng country, di'ba malungkot yun biruin mo ang pinaka aasam asam naming kalayaan dito sa Academia Militar baka mapurnada pa because of the power struggle in our country? Nakakalungkot....
Tapos hindi ko namail ang sulat ko for a friend that I write to every week. Although pwede naman bukas the more na mas gusto kong magsulat ng iba ngayong gabi lalo na na nabasa ko yung blog entry nya... medyo nagbago na naman takbo ng utak ko. But then again, I believe in spontaniety, gusto ko kung ano yung exact feelings ko at that time, yun yung matatanggap nya, not something that I conceived for her to be impressed. Naku I do not want her to be impressed I simply want her to know me. Kung iisipin para naman talagang wala akong mapapala. Biruin mo habang nandito ako sa bundok, pinipilit kong magpakilala sa isang babae through letters at the time when there is text message and the internet. Ang pinakamalaking kahibangan pa nito ay ni minsan hindi sya nagreply.... ay mali nagreply pala once sa friendster pa. Pero kasi sabi ko susulatan ko sya every week. Hindi naman sa pinaninindigan ko lang talaga yung sinabi ko no bakit ano ba mapapala ko sa kanya, kaya lang may mga bagay dito sa mundo na ginagawa natin kasi yun ang gusto nating gawin... tipong wala lang pakialamanan and as long as yun ang nararamdaman ko yun ang gagawin ko. Isipin mo na lang kahit nag swiswimming ako iniisip ko kung ano ang sasabihin ko... weird no? Totoo nangyari yun. Sabi sa akin ng coach ko sa swimming corps squad (our varsity team) mag practice daw ako so lumangoy daw ako ng 500 meters on one stroke, another 500 meters in another and so on... all in all mga 2 kilometers ang dapat kong languyin. Kung 25 meteres yung isang lap sa pool namin dapat 20 times akong magpabalik balik per stroke, matagal kaya yun and mind you nakakapag isip ako ng kuna ano ano sa tagal ng panahon na yun at yun nga naisip ko na isipin kung ano sasabihin ko sa kanya. Ang dami ko ng naikwento but the bottom line nakakalungkot....
Pero siguro ang pinaka nakakalungkot sa lahat is because suddenly naubusan ako ng dapat ikasaya dito sa PMA, parang naisip ko na lahat ng magpapasaya sa akin ay nasa labas ng aking bilangguan... Ironic no? Basta ganun tutulugan ko na lang to hoping na sana pag gising ko masaya na uli.....